Sulyap - BSIT-2H (CVSU-CCC)

Опубликовано: 15 Январь 2020
на канале: Camille Barcena
26
1

SULYAP
Composed by Arvin Zamora
Music Video Created by BSIT 2H of Cavite State University - Cavite City Campus
Sing by Mie Ann Andrade & Arvin Zamora

Lyrics:
Sabi nga ng isang magiting na manunulat
Kabataan ang pag-asa ng bayan
Ikaw ba'y nakikinig?
Espiritu ng katipunan
Iyo bang tinataglay?

Hindi sapat ang naririnig
Mahirap hanapin ang totoo
Kaya kumapit ka sa akin
Misteryo ng kasaysayan
Sabay nating lutasin

Chorus:
Alalahanin mong lahat (Nilimot ng panahon, puso ang maglahad)
Di mo man ito makita'y,
Maramdaman mo'y sasapat
Lagpas lang ng 'yong balikat
Lingunin nang masulyapan
Ang ating nakaraan (Malaman kung pano nga ba tayo)
Naapektuhan, naaapektuhan, at maaapektuhan
Ng walang humpay at tuluy-tuloy na kasaysayan

Isang makisig na pinuno
Ang matapang na lumaban
Maitaboy lang ang dayuhan
Na tumapak sa Mactan

Meron ding tatlong paring
Maling naakusahan
Walang awang ginarote
Hinatid kay kamatayan

Ngunit anong saya
Watawat ay ibinandera
Ng inamong leon kahit
Isinakripisyo sariling tela

Masalimuot man o masaya
Nakaraan ay tapos na
Sana maisingit ang mga ito
Sa mga libro ng ala-ala

Alalahanin mong lahat (Nilimot ng panahon, puso ang maglahad)
Di mo man ito makita'y,
Maramdaman mo'y sasapat
Lagpas lang ng 'yong balikat
Lingunin nang masulyapan
Ang ating nakaraan (Malaman kung pano nga ba tayo)
Naapektuhan, naaapektuhan, at maaapektuhan
Ng walang humpay at tuluy-tuloy na kasaysayan

Bridge:
Dinggin ang hinaing
Ng bayan sa atin
"Paano naman ako?
Maaalala pa ba hanggang dulo?"
(Pakiusap)

Ito ang aming adhikain na sana ay manatili tayong makabayan sa kabila ng samu't-saring pang-aakit ng mga banyaga sa kanilang kultura. Ang isyung ito ay kapansin-pansin sa kasalukuyang panahon kaya naman isa ito sa mga pinakapinagtuunan ng pansin ng aming grupo.

Alalahanin mong lahat (Nilimot ng panahon, puso ang maglahad)
Di mo man ito makita'y,
Maramdaman mo'y sasapat
Lagpas lang ng 'yong balikat
Lingunin nang masulyapan
Ang ating nakaraan

Chorus:
Alalahanin mong lahat (Nilimot ng panahon, puso ang maglahad)
Di mo man ito makita'y,
Maramdaman mo'y sasapat
Lagpas lang ng 'yong balikat
Lingunin nang masulyapan
Ang ating nakaraan (Malaman kung pano nga ba tayo)
Naapektuhan, naaapektuhan, at maaapektuhan
Ng walang humpay at tuluy-tuloy na kasaysayan

Video Editor: Wondershare Filmora9 version 9.2.9.13